Tuesday, March 23, 2010

Paano kung binantaan ka sa masamang salita ng customer? gagamit siya ng impluwensya

Paano kung binantaan ka sa masamang salita ng customer? gagamit siya ng impluwensya
>> Pwede bang ipa-demanda or ipa-blatter? Since may hawak akong evidence, may record kami ng paguusap sa mobile.

Nagwho-wholesale lang kami ng mga fabric - shirts, etc.
May isang babaeng nagtext sakin, si Ana Liza S. Lopez at naki-usap na hanapan ko raw siya ng retaso dahil kailangan ng kapatid niya sa Cebu.
So naghanap ako, tamang tama may kakilala ako.
Ang bilin sakin ni Ana, kung maaari wag masyadong maliit at wag black & red colors. Sinabi ko sakanya yung sinabi ng kakilala ko na "pag retaso, halo-halo yun at hindi pwedeng piliin isa-isa".

So nagarkila ako ng L300 van which is Php1,500 cost. And Php300 cost for the driver.
Pinick-up namin sa kalookan at dinala deretcho sa cargo forwarding sa Tondo dahil nanaman sa paki-usap ni Ana.

Pagdating namin dun, ayaw tanggapin yung ipadadala namin kasi punong-puno ang retaso sa isang plastic / sako so naghanap at bumili pa kami ng trash bags pang re-pack dun. Pagkabalik namin, agad-agad nirepack ng driver.
Hindi pala pwedeng magbuhat ang "checker" ng cargo forwarding, so wala kaming nagawa at talagang pinilit namin ng driver na magmadali at isampa sa 10ft. container van ang kilo-kilong retaso. Sa kakamadali, nabakbak pa ang balat ko at dumugo pero wala akong pakealam doon dahil aabutan na kami ng gabi. Pagkatapos na pagkatapos, nagmeet kami ni Ana sa Trinoma para ibigay sa akin yung bayad which is dala-dala ko na. Gets?
Explain ko: sumobra kasi yung bayad niya dapat sa akin, so binilin niya sa cargo forwarding na ibigay lahat ng dineposit niyang pera sa isang employee na kakilala niya sa loob ng cargo forwarding.

Pagkakita namin, binigay ko sakanya ang lahat ng pera niya at tsaka ako binayaran.

Sa sumunod na araw, tumawag na sa akin yung kuya niya na si Ramil ata ang pangalan.
Galit na galit. Bakit daw ang daming durog at mga pattern? Akala pa na kami ang naglagay doon. So inexplain ko sakanya lahat, pagkatapos noon nagbitaw na siya ng salitang "baka hindi mo ko kilala, pwede akong gumamit ng impluwensya" at may mga salita pang "hugas kamay" at akala ko ba raw wala siyang utak.

Akala niya niloko namin siya, well in fact parang bridge lang kami - taga pick-up at hatid sa pakiusap ni Ana na lugar. So bale, ngayon ginagawa pang paraan.
Ang hindi ko lang maatim ay may mga taong katulad niya na kayang mambanta ng buhay, kayang gumawa ng masama sa kapwa.. Sa totoo lang, kung loko kami, edi sana tinaguan ko na sila right? Iniisip ko tuloy ngayon na kaya niyang pumatay o magpapatay ng tao. So kung may mangyari man sa akin, may ebidensiyang magpapatunay na siya ang # 1 na suspect.

To be continued... to upload the evidence as soon as I have load to internet in mobile.

Read more: http://www.sulit.com.ph/index.php/view+topic/id/35404/recent/1/Paano+kung+binantaan+ka+sa+masamang+salita+ng+customer%3F+gagamit+raw+siya+ng+impluwensya#ixzz0j37jAkAn

No comments:

Post a Comment